Tuesday, August 19, 2008

My Summer Officially Ended in August!

Yep, you read it right. I had my most final talaga as in mega todo to the highest level (promise!) vacation last long weekend… where? In Puerto Galera.

Well, I was supposed to have a vacation lang in one hotel in Batangas City, gift siya ng tita ko for my birthday. Kasama ko dapat ang cousin kong si Kye pero I ended up being with my Jed. Haha.. Honeymoon ito?

So I was planning to go in La Luz in San Juan Batangas because I heard it was nice in there. Apparently, it’s a long two hour drive (jeep and tricycle)… sabi ng hotel chauffer, he’d strongly recommend going to Puerto Galera nalang daw. At least sulit pa ang punta!

Kaya ayon, naiwan lang sa ang ibang gamit ko sa Hotel at nagpa-aircon lang sila habang kami ni Jed. Nagmamadali na at naghahabol sa pag-alis ng boat papuntang Puerto Galera.

Sabi nga nila, dapat talaga ang beach experiences mo, magsisimula sa Puerto Galera, then sa Boracay, then Palawan. Kasi pag hindi mo sinunod yung sequence, ang tendency, di mo maapreciate yung bawat lugar. As for me, I did not actually enjoyed Puerto Galera. Aside from the fact na hindi peak season, (walang masyadong tao) walang events at hindi masyadong okay yung night life nila. Yung beach, kung sa Boracay, puro lumot, sa Galera, puro bato! As in, ang sakit-sakit sa paa at ang lakas-lakas ng alon. Haha.. kasi nga haller, August po kaya. But the weather was good, maaraw naman kinabukasan, pero pag bandang hapon, umuulan.


Sa Tamarraw Beach Resort kami nag check-in. WRONG MOVE. Walang tao masyado sa Galera, at yung kaunting tao na yun, nasa White Beach pa. Kami nasa kabilang ibayo ng daigdig. Imagine, eto yung galera, tas may bundok, tas sa kabilang side kami. Payapa naman dun, WALANG NIGHT LIFE. Argh, another wrong move. Hahaha… Nirecommend kasi nung chauffer na sa Tamarraw Beach daw kami… that’s about (sabi sa Ads) 3 to 5 minutes away from White beach. Pero that’s by boat.. kung lalakarin nio at susuungin niyo ang gilid ng bundok na puro buhay na bato (as in boulders) mga 20 minutes from White Beach to Tamarraw at kung lalanguyin niyo naman, hahaha, mga 2 hours siguro, carry na yon? Haha (kung di ka ba naman ihampas ng alon sa mga bato).

Para lang madaplisan ng alak ang mga ugat namin, sinuong namin yung gilid ng bundok marating lang ang White Beach. Siyempre, kaya ka nga nag GALERA ay hindi dahil magswimming, kundi magNIGHT LIFE! Right? Nakakatawa nga kasi may ibang daan, sa main road. My goodness, tinignan namin kung paano papunta don, susmaryosep, ang dilim! Katakot, andaming malalaking puno (kasi nga bundok nga yung pagitan eh).. kaya kahit gabi na non, sabi namin ni Jed, tara makipagsapalaran tayo sa mga alon at dun tayo sa gilid ng bundok.

Adventure talaga, amazing sa dilim pero narating naman namin ang White Beach. Okay naman, sa Hiyas Bar kami nag-inum ni Jed, kung saan nagshoshow ang mga kapatid nating mga vaklush! Haha… pinagkaguluhan nga si Jed ng mga kabadingan… hehe…


We after a few drinks, mga paborito kong Bailey’s at Vokda Citron, nag-aaroz caldo kami pantagal lasing. Then naghanap kami ng tricyle. Hanep, super duper byahe pala talaga pag nag-trike.. main road nga kasi ang daan. Pucha, as in zigzag road talaga.. haha.. kaloka talaga, adventure. Ang dilim nakakatakot, naiimagine ko nga may biglang tatawid sa kalye na nakaputi or may biglang may malaking paniki or some sort… buti nalang payapa kami nakauwi sa Tamarraw. (Pero accidentally nahampas ako ni Jed ng pinto ng gate.. huhuhu)

The next morning, we went swimming, natatakot ako. Nakakatawa. Nung sa bora naman ang sarap lumangoy, sobrang clear kasi ng tubig at walang mga bato, as in purong buhangin. Nung sa Puerto, ang dilim ng ilalim, nakakatakot saka uhmm, I have my period, nakakatakot baka may sumugod saking mga pating! Haha.. phobia! Kaya tamang 3 metro away from the shore lang ako, sumasabay sa lakas ng alon, nagtitrip nalang kami ni Jedoi sa lakas ng alon.

After showering and fixing our stuffs, we decided na sa White beach kami pumunta at sumakay sa boat. Wala kasing signal ang Globe, di kami nakapagconfirm na sa Tamarraw kami magpapasundo.

HANEP! Another adventure! High tide pala.. kaya yung mga batong nilalakaran namin, waaaaa… lubog na siya sa tubig.. eh masyadong malayo na kapag bumalik pa kami sa main road… huhuh.. equipped with my walking shorts and my havaianas, nagrock-climbing/walking kami!

Sabi nga ni Jed, tignan natin tibay ng HAvaianas mo sa talas ng mga batong toh!


ADVENTURE. Takot na takot din ako kasi baka madulas ako tas mabagok ulo ko.. haha..
(sorry naman, mejo di kasi nakakundisyon yung katawan ko na ganitong klase ng bakasyon pala yung haharapin ko sa pwerto galera!)

Buti nalang talaga, I was with Jed. Siya lang yung nagpapakalma sakin pag taranta utak na ako! Sanay din kasi siya sa mga survival training of some sort dahil nung nagCAT sila nung highschool sa Quezon Province kasi siya nagHS.

Nang narating na namin (finally, thank GOD) ang White Beach, we bought some pasalubong lang…then ate lunch sa Manolo’s Restaurant. Highly recommended, SARAP dun!

Sakay na kami sa Commando’s Boat by 12:30 pero mga 1pm pa umalis. Okay naman ang trip, comfy at walang seasickness na nagarise.
Late checkout kami, dapat by 1pm we have to be out na sa hotel but the Days Hotel Staff are so nice and accommodating, kahit 3pm na kami nagcheck out wala namang charge. Sobrang thank you talaga Days Hotel peeps.

Badtrip lang mga tricycle drivers sa Batangas, sobrang managa, akala naman nila mga balikbayan kaming bakasyunista. OA. Yung isang manong 60 lang singil. Pinaka tapat na presyo. Yung iba, 80 and worst, 100 pesos. Same destination, Pier to Hotel. Pati mga pasalubong, OA, 150pesos yung turrones de mani.

Kaya mga people, beware, yang mga THE TRICYCLE DRIVERS FROM BATANGAS ARE NOT NICE. HAHA. Igeneralize ba daw, 60pesos lang tandaan niyo, from Pacalleon Road, Batangas City to Pier, not more not less, kahit ano pang Pontio Pilato Road ang ginagawa, 60 pesos lang ang trike ride.

Tamang bonding moments lang kmi ni Jed sa bus. Well, im just so happy that I was with him sa last summer adventure ko ng August. Lalo na ngayon, back to office na ako sa Ogilvy. At least nakapag-enjoy ako sa buhay ko for the last time. Haha. Next stop, Baguio on Octorber! Nyahehehe!

Wednesday, August 6, 2008

What Happened Last July? Part 1: Diane's Bday

We planned my 21st Birthday.

Jed was with me the whole step of the way.. from concept planning to buying the logistics... grabeh, natagalan niya yung mga out of this world ideas ko like Hollywood theme with Red Carpet, or Rastafarian Birthday and all that! katuwa!

nag-inquire kami sa Dencio's Grill



Then Gerry's Grill and i decided to hold it sa Gerry's Blue Wave Macapagal!



Dahil may pakulo ang bday ko which is 21 Margarita Shots, we decided to try it first...



The Blue Margarita


Green Mango Margarita (kasuka!)


si jedoi din kasama ko sa lahat ng mga pamimili ko sa 168 Divisoria (for balloons, clothes, tarpauline printing, party poppers, invitations, give aways) at sa SM Moa ng damit at kung ano2 pa!

thanks jedoi!